Monday, December 5, 2011

Overlooking sa tayuman

Kapag gusto ko ng magandang tanawin, eto yung lugar na unang pumapasok sa kokote ko.
Bakit? siguro dahil nadin sa tanawin na makikita mo pag naakyat mo ang mataas na kalahating kalsada at kalahating lupa.




Namamangha ako sa nakikita kong tanawin kada nandito ako, lalo na kapag sunset, makikita mo talaga yung pag lubog ng araw, pakonte konteng pag tatago ng araw, at ang sunod sunod na pag bukas ng mga ilaw sa mga bahay bahay at building..



Madami akong pinangarap gawin sa lugar na to, tulad ng isang pangarap na hindi ko na gusto pang tuparin, dahil nadin sa naging kumplikado na ang lahat, para tuparin pa yon.




Mahigit 2 Km ang lakaran simula sa San carlos tayuman binangonan rizal hanggang sa pinaka mataas na tower sa taas ng bundok, bale mahigit sa 4Km pag taas at pag baba.

talagang nakakapagod ang umakyat sa lugar na to, pero sulit naman kapag nasa itaas kana.

Sana mapasyal kadin dito minsan.
pede karin makipag kwentuhan kay manong na nag babantay ng tower sa tuktok ng bundok.
madami syang matuturo sa inyo about Fm radio. ^_^

2 comments:

Thx sa views

Photobucket