Tuloy na tayo sa part 4,
2pm ang usapan sa swimming
@mercury drug store sa tapat ng mcdo
7am ang usapan namin para makapag practice ulit, 7am dumating si pepe sa boarding house namin, pero wala padin si lowie, after 1hr and 35mints dumating si lowie, super late, katulad ng inaasahan, pero carry lang sanay na sanay na kami sa ganong ugali nya. Nagsimula na ang practice, mejo may nabago pa sa mga steps namin, habang sumasayaw kami, di namin alintana ang pawis na lumalabas sa katawan namin, lagkit na lagkit na ko ng time na yun, pero tuloy tuloy padin, ganadong ganado sila eh, nag mag 1030am na nag decide na kami mag pahinga, sunod sunod kaming naligo, mga 12pm ready to go na agad kami, nag lakad kami papuntang pantranco deretyo ako sa bilihan ng ulam para bumili ng kanin, dahil sa jolibee kami kakain, (Ayokong ayoko bibili ng extra rice sa mga fastfood na to, napaka mahal kasi at ang konti pa) deretyo kain namin, mga 1240 tapos na kaming kumain, tapos pumunta na kaming mercury drug sa tapat ng mcdo.
usual kami ang nauna, ayaw namin ma late eh? pero di namin alintana na napakatagal pala dadating ng iba, akala ko kasi pag before 2pm eh ready na kaming lahat, ang kaso hindi pala, mejo naboreng kami sa pag hihintay, pero pakonte konte naman kaming nakukumpleto, nakakatawa nga ung isa namin classmate nag txt kay obe (nandito na ko, bakit wala kayo?) eh mali yung pinuntahan nyang mercury drug.
2pm, after ng ilang minutes na pag hihintay may dumating na 2 jeep, nag park sa harapan namin, tapos sakay na kaming mga lalake sa isang jeep at sa kabilang jeep ang mga babae w/ sir at secret.
habang nasa jeep, boring na boring kami, nakakatamad kanya kanyang sandal lang sa upuan, yabangan at asaran, maya maya may nag yaya ng "pusoy dos" sabi ni leandro may baraha daw sya inabot na ng ilang minuto di padin nya napapakita samin, kaya si reimar na ang nag labas ng baraha (during that time, di pa marunong mag pusoy dos si remar) ginamit nilang patungan ung gitara ni ruben para makapag laro sila ng maayos kahit papano, nag laro si leandro,remar,arjay,obe, at jb.Naging coach kami ni peter kay remar, tanong sya ng tanong kung "pwede daw ba to?", "tira ko na!".
Lumipas ang ilang oras, nag sawa nadin sila sa pag lalaro ng pusoy,nag ka singilan na para sa alak, 50per head ang ambagan para sa alak.
nag stop yung jeep nila sir (nakasunod lang yung jeep namin). Bumaba si sir, hihintayin daw nya si JD, deretyo kami sa byahe, na di namin alam ang lugar kung saan ba talaga, mejo natagalan bago kami makarating sa venue.
Dumating na kami, gutom na ko, super, kaya nag hahanap ako ng makakain, akala ko may pag kain na, wala pa pala, BC halos lahat, kanya kanyang gawa, iilan lang kami walang ginagawa, kaya hiniram ko nalang yung camera ni pauline, tutal di nya ginagamit, nag picture picture nalang ako sa mga pag luluto nila at pag aasikaso ng kung ano ano.
Yung iba di na rin nakatiis at lumusong na sa pool, dahil sa walang magawa kaya nag swimming nalang din ako. ng mag sawa ako sa tubig, umahon na ko, at tinanong kung kakain na? sabi nila di padin, eh gutom na ko, kaya nang hingi ako ng isang pirasong shang hai, at barbeque's.
Pag ka luto ng inihaw ng pusit game na ang inuman, kahit wala pang laman ang mga tiyan binuksan ang alak at nag paikot na ng baso sa madlang people na manginginom.
After ng isa?dalawa? o kalahating oras, nag ka yayaan ng kumain, sa wakas, ang dami na kasi talagang gutom, pero kita ko talaga yung effort ng mga nag luluto at organizer, ang sisipag nila at talagang maasahan yung mga napili ni sir.
kainan na, kapos ng plato kaya yung iba share share lang, nag share kami ni nhylkhaye wala na kasing plato, at sinabi ko din na kuha na nya ko ng ulam ^_^, ang bait sinunod ako, dun kami sa 2nd floor kumain, nabusog naman ako sa kinain ko (pork and chicken adobo, barbeque's at shanghai ang ulam namin) mas gusto ko ang fork tapos sabi nya kanya ang chicken kaya kanya lahat ng chicken, akin naman ang fork.
Pag katapos kumain,bumaba na ko, nagulat ako 20+ ang nakapilang kanta sa videoke, (damn) ang dami at mga ganado na ang mga kumakanta, meron pang ilan na nakikipag labanan ng score. (nakita kong nag papagalingan ng time na yun si peter at si vamz)
Balik tayo sa pool, mejo madami ng nag su-swimming, nakijoin ulet ako, kanya kanyang trip sa pool, nakikipag palagayan sa tubig, yung iba nakikipag unahan lumangoy, at yung iba nag aaral kung paano lumangoy.
after 2hrs? nag yaya na si sir about sa sayawan COMPETITION. mag prepare nadaw yung mga kasali, akyat kami sa kwarto, kanya kanyang ayos kami, kanya kanyang sulat ng pentel pen sa mukha at katawan (napag usapan kasi ng grupo ng urs boys na un na ang gamiting costume wala kasi kaming ibang maisip). tapos saka kami ng lagay ng scarp sa bibig para matakpan ang aming bigote (AKA MR.SUAVE).
Unang nag perform ang 4D pup, nagulat kami, ang buong akala namin sasayaw ang mga babae ng 4D, un pala mag fi-fliptop,ang pinaka nakakagulat eh yung speaker nila, si JOAN AT BAMBI, ang mag bestfriend ang nag trashtalkan, nakakatawa yung mga banat nila at di nila kabisado yung scrip kaya may binabasa pa silang papel, tapos bigla silang sumayaw, tapos biglang nag karoon ng pageant tapos ang nanalo walang iba kundi ang SEXY na si DIANNE ^_^.
Next contestant ang 3D pup, sila ruben at mark ang inaasahan namin na mabigat na kalaban, (pero batid ko na wala pa silang practice ng time na un) pero nagulat ako ng actual silang sumayaw, (nakita ko lang silang nag uusap usap kung ano ang gagawin pero nagawa nila halos lahat ng napag usapan nila kahit walang practice) ang galing sumayaw ng 2 sexy backup dancer nila na si cathy at pauline with matching kwelang gimik ni ruben at mark (ang cute ng performance nila parang si pauline lang ^_^.
3rd group ang NEUST with henry(napa w0w si obe) astig ang costume pare parehong naka brown sando, ng nag start ang music nakakatawa, kung ano ano din ang mga steps nila, (basta makapag pasaya din) pero sa tingin ko nasiyahan talaga si obe ^_^. nakakagulat ng bigla silang mang hila ng madlang people para makasayaw nila, at kinuhang kasayaw ni roger ay si obe, ang sweet (note sa mga di nakakaalam, crush ni obe si roger secret lang ^_^). tapos natapos na..
Last group!kami na!! nakita na namin ang performances nila, kelangan namin galingan para kami ang manalo! ika nga desperado, marami din kaming pagod sa pag papractice, kelangan manalo, ng nag start ang tunog trailer (zombie moves) next ang mr.suave (pa cool ang dating, tapos babaero (si reimar ang pambanat namin dito, take your shirt off tapos sabay hubad ng gamit (ginawa na namin ang pinag babawal na technique hahahaha. ayoko ng alalahanin masyadong mahalay) at last song namin ang MACHO GWAPITO, finishing step namin nag lapitan kami kay OBE ^_^.
Pag katapos ng sayaw namin, sinabi na kung sino ang nanalo, tie daw kami ng NUST at URSM, in short panalo padin (kahit half price ok lang atlis nakuha namin yung goal ^_^).
Pag katapos nun, freestyle na, madjong,swimming,inom, picture, videoke, kain,ect ect kung ano ano pang mga ginawa namin ng gabing yun. masyadon ng mahaba kung idedetalye ko pa.
simula nag 2pm nababawasan na ng nababawasan ang nasa pool, (inaantok na ung iba,o kaya nilalamig). 4pm na kami umahon deretyo anlaw at ligo. Naiglip lang kami, after 2hrs nagising na kami para sa almusal, kanya kanyang kain ng hotdog w/ rice. pag katapos nun ayos ayos ng gamit at mga kalat, para makaalis na.
mga 7am ata ng umalis na kami sa resort na dun.
Habang nasa byahe kami, naiwan namin yung jeep nila sir, e di alam ng driver ang byahe pa uwi, kaya ayun nag kanda ligaw ligaw pa kami, tapos mga 10am na kami bago nakauwi sa QC, hay.. pahamak yung driver (magic word kasi eh ^_^)

0 comments:
Post a Comment