16 yrs ko na palang nag aaral ngayon
7yrs ng elementary @bilibiran elementary school
(kasama ang kinder)
4yrs ng high school @don jose ynarez memorial national high school (haba ng pangalan ng school)
5yrs @university of rizal system (di ko maramdaman ang system jan, hanggang ngayon!)
normal ng sinasabi ng isang normal na estudyante ang mga salitang
-sa pasukan promise mag aaral na ko!
-mag sisipag na ko.
-di na ko mag e easy easy ngayong year or sem.
-hindi na ko aabsent
-papataasin ko na ung mga grades ko
-hindi na ko mag dodota
-makikinig na ko kay ma'am or sir.
Paulit ulit lang naman, iilan lang naman ang nakakagawa ng mga bagay na yan.
eto naman ang kadalasan sinasabi pag summer
-GUSTO KO NG MAG PASUKAN, PARA MAG KABAON NA KO!!
eto naman kapag may pasok na sa school
-GUSTO KO NG MAG BAKASYON PARA MAKAPAG PAHINGA AKO!
wew!
1st day of school ngayon ng mga elementary ,high school at piling university, pero usual walang ginagawa, o kaya naman walang prof or teacher, (tip ko sayo, kung anong nang yari ng 1st day, sa malamang ayun padin mang yayari ng 2nd day hanggang 5th day)!
Sa pang limang taon kong nag aaral sa college ngayon, ang karaniwang 1st day ko talaga ay enrollment, madalas kasi late enrollees ako kaya sanay na ko sa gantong pang yayari. Pero eto ang nang yari sakin kanina sa UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Ang sarap mag enr0ll,haba ng pila, tap0s pag dating m0 sa casher, papabalikin ka ng registrar, tap0s
papabalikin ka ulit sa cashier, papapuntahin ka ng accounting, tap0s walang acc0unting, ayun sasabihin na ang fav0rite nilang sabihin.
-BALIK KA NALANG BUKAS. WeW!
Sana naging UR nalang, para di kami nag eexpect sa system na kakaiba,
system na computerize, na napaka bagal, dahil sa konti ng nag aasikaso, at kapag nag ka problema ang system ng computer eh, tatagal ng ilang oras o araw ang pag maintenance. tsk tsk tsk.. (saloobin ko lang to, hindi ako galit sa school, o sa mga empleyado dun, disappointed lang po talaga)
Hay, nayamot lang talaga ako kanina, pero ok na ko now.. ^_^ tapos na ko mag blog

0 comments:
Post a Comment