Friday, May 20, 2011

On the Job Training OJT

On the Job Training


bago matapos ang 2nd sem ng 4th yr, ang ibig lang sabihin sakin ng OJT ay "Trabaho". Tipo ba na mag tatrabaho lang ako ng buong summer para sa pag aaral ko, mag tetraining lang ako for my grades.

Una nag plano muna ang grupo ng UTVP (grupo ng mobots team namin, kabaling si reimar,peter,bez at omel) nag decide kami mag apply muna sa PLDT, ang kaso nung nasa PLDT na kami wala palang dala barangay clearance si bez at reimar kaya di sila nakapag apply, bale kami lang 3 ang nakapag apply, kaya nag isip kami na pumunta sa DOTC (DOTC pa ang alam naming tawag sa TeLof nun, di naman alam na branch pala ng DOTC ang TeLof). Sabi samin ng isa sa empleyado ng TeLof meron nadaw galing don na 3 na taga URSM, bakit daw hindi namin kasama? tapos sabi samin txt nalang daw kami, kasi masyado daw kaming marami. Kinabuksan nag text tapos sabi confirm nadaw, balik nalang daw kami ng weekdays para ma meet namin si sir richard, (sya daw ang adviser ng ojt sa telof)

Bumalik kaming 10 + 1 kasama si lowie, bale 11 kami ng hapon na yon. interviewhin daw kami ni richard, pag dating namin dun wala pa si sir, kaya ang ginawa namin tambay muna kay sir rex (long hair pa sya nun) at sir willy tapos nag share about sa mga thesis, tapos mejo ginigisa nila yung thesis namin, after 30mints dumating si boss wally tapos bigla nag turo samin, may sinabi sya na

"pag sisihan mo ang bagay na hindi mo pa nagagawa at wag mong pag sisisihan ang bagay na nagawa mo na"

Sinabi din nya yung history ng Comm, na nag simula daw ng dahil sa sigarilyo, nag tanong din sya about sa mga bisyo namin, halos walang makarel8 sa mga tanong nya na kung nag iinom daw ba kami, nag ba-bar, nag yoyosi, nag g-gf, eh puro wala ang sagot namin kaya nasabihan nya kami na (bakit pa kayo nag aaral?)

tapos may nag sabi ng dahil sa magulang

-bakit? wala kanamang obligasyon sa magulang mo ah? ang obligasyon ng magulang mo ay pag aralin ka, at ang obligasyon mo ay mag aral at kapag natapos ka tapos na ang obligasyon mo. (di ko tanda kung ganyan na ganyan yung pag kakasabi ni boss)

Biglang nag ring yung phone sa room na pinag kukwentuhan namin, si Richard daw, pinapatawag kami tapos sabi ni boss sabihin daw kay richard na sya ang bumaba, 1st time kong nakita si sir.Richard (di ko mapag tanto by that time kung lalaki? o hindi? ang haba kc ng buhok nya? nag tataka ako talaga, tapos yung narinig kong mag salita lalaki nga)

Iniwan na kami ni boss tapos inutusan kami ni sir richard na umkyat sa 3rd floor, 1st time ko nun makapasok dun sa room, sabi ni sir gigisahin daw nya ung mga resume namin (kinabahan ako ng time na un, kasi 1st time ko lang gumawa ng resume tapos kopya pa sa classmate ko). nagisa nga kaming lahat, mali daw to, wala daw to, sobra daw to, at madami pang iba, (alam kong hindi lang kami ang nagisa ni sir)

Tapos tinanong nya kami about sa computer, gano daw kami kagaling sa computer,

-i rate mo 1-10, 10 ang pinaka mataas, gagawin kong 0 yan.

inisa isa kami ni sir, tapos isa isa kaming nag rate sa saril namin, tapos kung ano ano ang pinag tatanong nya, na tipo na mahirap sagutan sa ganon sitwasyon at kumplikadong mga tanong, unexpected na 0 kaming lahat,

tapos nag tanong naman about sa internet, tapos ganon din, rate daw namin, tapos ayun........ 0 din EXPECTED na.... hanggang sa MS-word walang patawad si sir, ginawa din kaming zero..

Sa totoo lang na bad3p ako sa kanya non.. nasobrahan ata sa yabang ang taong to, (hindi ako natakot, nilamig ako ng todo ng time na un) actually di lang naman ako eh, halos lahat kami... pag ka uwi ko tuloy nun na FB agad ako na status agad (hindi ko pa friend nun si sir sa FB, dahil may status ako na patama sa kanya, nung natabunan na saka ko lang sya na i add) di ko na din sasabihin kung ano man ung na status ko nun, basta un na un.

Tapos pag katapos ng interview nya samin bigla nyang sinabi na Atheist sya, nagulat talaga ako, kala ko nag bibiro, hindi pala...

Tapos sabi nya balik daw kami 1week before kami mag sstart.


(dito na muna) sana maduktungan ko sya bukas...

2 comments:

  1. pepz rodriguezMay 21, 2011 09:27 AM

    sorry, but i really can't help my self not to comment.. nagbabasa basa lang ako ng mga blogs then nakita ko tong sayo.. and guess what.. TELOF-OJT batch 09 ako.. harhar..

    and natawa lang ako dun sa unang pag punta nyo sa telof.. dahil ganun na ganun din yung nangyari samin.. parehas na parehas ang pinagsasabi nila sir wally and sir chard.. (wait, nameet nyo si sir wally?? eh diba sa kabilang building na siya).. anyways.. wala lang.. pinaalala mo lang sakin yung happy memories ko with my ojt family..

    ReplyDelete
  2. ^_^ salamat po sa comment mo.. part 3 na ko..

    ReplyDelete

Thx sa views

Photobucket