Part 3
nag karoon kami ng seminar sa TTI (Telecommunications Training Institute (Valenzuela City)). Nakapag seminar na kami dito, ang kaso Fiber optic lang yung na i discuss samin, pati sandali lang. pero yung seminar namin ng mga ka batch mate ko sa telof ojt's ang dami na dinaanan na lesson, yung mga tipo na di kayang ipaliwanag ng professor mo dahil wala naman sya equipment,materials,ect, (yung tipo na sasabihin nila na i-imagine mo nalang yung mga sinasabi nya, sa totoo lang nahihirapan ako mag imagine ng mga ganong bagay, ipapa imagine sayo ang proseso ng pag bato ng information sa kabilang receiver na di mo alam ang mga bagay na ginagamit)
Ang dami naituro samin, nakakatuwa, process of communication, fiber optic, satellite, microwave, ect.
Ng natapos ang seminar, picture picture kung saan saan, kasama nadun ang unag group picture ng telof batch 2011.
Nag decide sila na pumunta sa SM, wala kaming kasabay pauwi kaya sumama nalang kami, pag pasok namin sa mall, diretyo kami sa chowking, pinapasok kami ni sir, nagulat ako ng pumila si sir, at sinabi maupo nadaw kaming lahat, bili nadaw kami ng pang lunch sya na daw ang bahala sa aming halo-halo. 38 kaming nilibre ni sir (nakakatuwa lang na nagawa nyang gumastos samin)
pag katapos nun, nakasunod ako sa isa kong classmate sa ojt's na taga pup, inaasar nila ako na ihatid ko daw, kaya ang ginawa ko eh sinundan ko, tapos nung sumakay ng buss, sumakay nadin kami, nang bumaba sya, bumaba nadin kami ni lowie, (ang alam ko sasakay sya ng LRT, pero nag bago isip nya pumunta muna sila ni bambi sa Farmers, edi sunod padin kami, umakyat ng 2nd flr, 3rd, 4th, tapos biglang tumakbo, ayoko naman silang habulin ng patakbo, kaya sinusundan ko sila by eyes (kung tawagin nila ay line of site) di ko alam na may elevator pala sa dulo nun, bigla silang bumaba, napatakbo na kami, tapos pag baba ng eh bigla silang nawala, tingin ako sa MRT station, wala naman, tingin ako sa baba wala din, nag stay kami dun ng mga 3mints, nag isip ako, baka ang gawin ni joan ay pumunta sa LRT, kaya naman nag madali kami, tapos pag dating dun wala, nag palipas kami ng 3trains, pero wala padin, kaya nag pasya na kong umuwi na lang, tapos sabi ko next time maihahatid ko na sya.
Ang intensyon ko lang talaga i hatid sya, wala ng iba..
Disappointed akong umuwi nun.
Ano na nga bang sumunod na ng yari? di ko na masyadong tanda.
Tuloy nalang, lumipas ang weekend, pasukan nanaman, lipat nanaman sa boarding house,
lunes nun, hinintay ko ulit si runaway girl, pero sa di inaasahang pag tagpo, eh nakialam si sir richard, gumawa sya ng scape plan para matakasan ulit ako ni joan, ang tagal ku dun, nag hintay padin ako, tapos nung nakatago ako sa gilid bigla kong napansin ni sir tapos sinabi nya sakin yung nang yari, bad3p nanaman ako, nag pasya ako na wag na lang ihatid, ayaw talaga mag pahatid, hatid lang naman talaga ang pakay ko. Kinabukasan, naging topic yung ginawa nila sakin, natatawa nalang ako ^^,
Sunod na atang nang yari ang plano para sa swimming namin, mag kakaroon daw ng competition labanan ng performance, ang kelangan lang daw gawin ay mag pasaya kelangan daw kwela at enjoy. Nag assign na si sir ng kanya kanyang task para samin, sa section 2-D ang bahala sa pag kain, pamamalengke, at pagluluto, si obe ang bahala sa mga bayad, meron din para sa sasakyan at kung ano ano pa.
Habang lumalapit ang outing namin, nag kakaroon kami ng mga idea sa gagawin namin performance, miyerkules mag pa practice sana kami, pero nag decide ang grupo ng URSM na manood nalang 3 idiots sa kadahilanan di pa yun napapanood ni lowie. Kinabukasan huwebes, BC ako by that time, may kausap kasi ako eh, (may importanteng lakad sana ako, ang kaso di na tuloy kasi umatras ung kadate ko, kaya bc ako at may kausap ako sa phone, kinakausap ko yung ka date ko sana? at nag kasundo kami mag kita nalang pag ka uwi ko) back to the story tayo, dahil sa pagiging BC ko, nag karoon sila ng hint na isa ko sa mga judges, pero sa totoo lang hindi naman talaga, nag kataon na siryoso lang talaga ako sa kausap ko, at kelangan ko ng sagot sa mga tanong ko ng time na un.
ng matapos ako makipag usap, nag practice na ko, mali mali ang mga steps ko dahil mahigit 1hr akong di nag practice, tapos habang nag papractice kami, ganadong ganado ang lahat (pam palakas ng loob yung 3K) Kahit pawis na pawis na kami, tuloy padin, para sa 3K ika nga, kung ano anong steps ang mga naisip ni reimar at pepe, mga 10pm nadin kami natapos sa practice, tapos bahala na bukas! kelangan ang Sure win!
Kinabukasan. ang outing sa laguna pansol...
(saka ko na ilalagay yung mga pictures namin)

0 comments:
Post a Comment