Thursday, May 12, 2011

advice (papa jack)

bakit ka nakikinig ng radio? bakit mo pinapakinggan si papa jack? bakit kapag babae ka eh gusto mong kausap ni papa jack ay lalaki? bakit naman kapag lalaki eh gusto mong kausap nya ay babae?



Madaming nalilibang tuwing gabi sa pag subaybay sa kanya..

bakit?
-kasi gusto nating makarelate sa buhay ng ibang tao,
-gusto na tin malaman kung meron ba tayong kapareho ng karanasan..
-interesado tayo sa buhay ng ibang tao
-gusto nating marinig ang advice ni papa jack.
-kasi gusto mong marinig ang words of wisdom nya.
-kapag broken ka natural na gusto mong may napapangkinggan ka na mga story about sa love, yung bang tipo na (mandadamay ka) kung nasasaktan ka dapat may nasasaktan ding iba.

bakit tinatawagan si papa jack.
-kasi may problema sila sa love
-nag papapampam lang sa loveradio
-nang aaning lang
-shineshare ang love experience
-kelangan lang ng kausap
-gustong masubukan kung gano kagaling mag advice si papa jack




ano bang meron kay papa jack?
-matalino? sa tingin ko di naman sya ganon ka talino eh, nag kataon lang na madami na syang mga bagay na napag daanan kaya naman madali nalang sa kanya ang mag advice, isa pang factor ang dahilan narin na madaming nang hihingi ng advice sa kanya kaya yung kanyang pang uunawa ay lumawak na, kung baga nakakaisip na sya agad ng advice kahit na konti palang ang nasasabi mo, (dahil sa paulit ulit nanya tong ginagawa.)



ako bilang isa sa mga tagasubaybay ni papa jack, masasabi kong magaling talaga sya, (pero hindi lahat ng advice nya eh nagugustuhan ko) meron kasi syang ibang advice na parang pinoforce nya ang kanyang caller na eto dapat ang gawin, eh kahit naman na utusan nya yung caller eh kung ayaw talaga wala syang magagawa. (hindi naman lahat ng bagay eh na experience na nya eh) kahit alam nyang tama sya eh kung wala sya o kung hindi panya nararanasan yung ganon pang yayari eh hindi padin nya maiintindihan yun ng lubusan at kung makapag bigay man sya ng advice eh hindi ibig sabihin na tama agad sya..

nasa tao padin yan, kung ano ang mag papasaya sayo dun ka...

"wag mong pilitin ang sarili mo na sundin ang payo ng kaibigan mo, humingi kalang ng advice pero hindi ka nila dapat utusan"


tandaan mo yan ^^

1 comments:

  1. hehehe.d2 sa opisina,laging c papa jack pinapakinggan ng night shift,pam patangal ng antok.

    ReplyDelete

Thx sa views

Photobucket