Wednesday, August 8, 2012

Kasalan din naman natin

Mejo natauhan lang ako sa larawan ito, Di naman laging kasalanan ng gobyerno, Minsan kasalanan din ng mamamayan, dahil kumakatawan lang naman ang mga leader para satin. Nasa tao nadin ang problema, Kung hindi siguro tayo mag tatapon ng basura kung saan saan, Kung May malasakit lang sana tayong lahat  sa Kapaligiran hindi po sana nag babaha, at hindi sana nag kalat ang basura.

Be responsible, 5 to 10yrs from now, mas matindi ang magiging pag ganti ng kalikasan satin..

Tuesday, August 7, 2012

Utang na Loob



Usapang utang naman tayo ngayon, Laganap ngayon ang mga nag papautang, basta may pera may kakayahan kang mag pahiram ng salapi na pag ma-may ari mo.
 
Sa panahon ngayon usong uso ang mga tubuang utang, Kung saan unang nagiging dahilan kung bakit lalo nag hihirap ang isang mahirap, at Lalong yumayaman ang isang mayaman.
 
Marami na ngayon ang ibat ibang uri ng tubuan at kagabi lang nabasa ko sa BIBLE na “kung mag papautang ka siguraduhin mong hindi mo ito papatubuan”.
 
Ano ano nga ba ang mga pautangan na alam ko sa ngayon?
 
5-6 – Eton ay di na bago sa ating pandinig, dahil madalas natin tong madinig sa mga mahihirap na tao na nangungutang sa bumbay.
EXAMPLE- Umutang ako ng  1000php at magiging balik nito ay 1200php, depende sa napag usapan kung gano katagal ito babayaran, pang karaniwan arawan kung singilin ng mga BUMBAY ang mga taong pina utang nila ng salapi. Ang mga bumbay ay kadalasan naka motor at may kasama secretary pag naniningil, nag papa utang din sila ng mga gamit katulad ng kumot, panty na branded daw?, at kung ano ano pang mga gamit.
Balikwasan- Eto naman yung uri ng utang kung saan bago ka palang mang hihiram ng utang eh may bawas na, at balita ko linguhan kung tumubo pa.

EXAMPLE-  Nangutang ako ng halagang 1000php, 900php lang ang makukuha mo dahil may kaltas agad ito na 10% at kada linguhan ata ay may tubo pa 10%-20%? Bali suma total ang babayaran mo sa loob lamang ng isang lingo sa halagang 1000php na inutang mo ay 1200-1300php.
Sangla- Pang karaniwan nadin tong ginagawa ng mga mahihirap at mayayaman tao, ang mag sanla ng gamit katulad ng Alahas,lupa,bahay, Electronic Gadget, at kung ano ano pa. Pang karaniwan din makakakita ng sang laan sa bayan na lugar.

EXAMPLE- Sinanla mo ang isa mong alahas sa nag kakalahagang 2000php, may tubo ito na 2-5% (depende sa percentage ng Tubo), at kadalasan hanggang 2buwan lang at maari na marimata ang iyong sinanla, ibig sabihin pwede mawala sayo at di mo na makuha pa, Para maiwasan yun dapat ay buwan buwan ka nag tutubo kung wala kapang sapat na pang bayad.
Loan- May tinatawag pa ang ibang mga tao na Loan, loan, kung saan kelangan mo mag parehistro sa kanilang grupo bago ka mahiram ng pera, at sa una ay mababang halaga palang ang makukuha at habang tumatagal kang umuutang sa kanila ay tumataas din ang halaga na pwede mong utangin.


Ano ba talaga ang Salitang UTANG?  panghihiram ng anumang bagay lalo na ang pera. Ito ay panghihiram na pinapangakong ibabalik din sa itinakdang palugit na araw.





Nakakalungkot lang isipin na kung sino pa ang madaming biyaya ay sya pa ang nang aabuso sa kapwa, katulad ng pag papautang na may tubo.
 

Imbis na tulungan mo kasi ang isang tao, lalo mo lang syang pinahihirap.

Aaminin ko baon din kami sa utang, kaya mejo masama ang loob ko sa mga taong patuloy na nag papatubo. T_T

Saludo naman ako sa mga nag papautang ng salapi na walang tubo, Sila yung masasabing tumutulong sa mga nangangailangan ng pera, Sana lang ay wag natin kalimutan bayaran ang ating utang sa mga napag kakautangan natin, at sana sa panahon na sya naman yung nangailangan ay mag pahiram din tayo.

Thursday, May 10, 2012

Para sa Ina, mama, Mom, Mother, Mommy Nanay, nay...

Sulat para kay mama.

Dear mama
Magandang araw.. ^_^ bukas araw ng mga INA, MAMA, MOMMY, MOM, NANAY...
Para sa Lahat ng Ina, magiging ina, sawa na sa pagiging ina at sa MAMA ko...
Salamat sa pag aaruga na binigay nyo sakin mama, akala ko noon wala kayong pakelam sakin, akala ko di nyo ko kelangan, akala ko ayaw nyo sakin... akala ko di nyo ko bati.. XD
Noon bata pa ko madalas nya ako masigawan, pagalitan at paluin, dahil sa aking kakulitan at katigasan ng ulo.
Aminado naman ako na masama talaga ang ugali ko kahit ngayon, may attitude padin talaga ako..

Pero biglang nabago ang lahat....
last 2yrs may pang yayari na nag pa close samin dalawa, at very thankful ako at nang yari un..
Nag open ako sa kanya before ng aking sama ng loob about my past, she Laughing out Loud, when she saw me crying XD.
Natawa nalang din ako sa sarili ko noon, nag taka din ako bakit ako nag open sa kanya, marahil sa di ko nadin kinaya before yung nararamdaman ko..
after kong mag open sa kanya naging mas close kami sa isat isa, at every time na papasok ako sa school nag ki-kiss ako sa cheek nya.
Madalas nya masabi sakin before yung mga purwisyong nagawa ko sa pamilya namin, yung mga malas kong nagawa, katulad ng pag kaka bale ng kamay ko ng elementary, pag ka putol ng buto ng high school, pag wakwak ng noo ng elementary at pagiging sakitin ng akoy bata pa..
Naging mabigat din nyang resposibilidad kasama ang tatay ko sa pag papaaral sakin ng kolehiyo, dahil nga sa Engineering ang napili kong course at sinuportahan nya ko sa abot ng kanilang makakaya. bagamat madalas man kulang sa allowance at di ako nabibigyan ng pang complete na pang tuition per sem eh naiintidihan ko naman sya, hindi lang naman ako ang anak nya na pinapakaen nya at pinag aaral nya...
Apat kaming magkakapatid.... sa tagal narin sa abroad ng papa ko, ako nadin yung nag silbing tatay sa mga kapatid ko, kapag may problema sa bahay katulad ng (may sirang mga gamit, may kelangan ayusin etc..) ako ang gumagawa...
Sobrang nag papasalamat ako sa May Kapal dahil si Emma C. Aquino ang binigay nyang ina samin... sya ang pinaka da-best Mom...

para sa lahat ng magulang HAPPY MOTHER'S DAY PO.. SALAMAT SA INYONG LAHAT...

Saturday, April 28, 2012

100 days

100days namin ngayon. Salamat at dumating sya sa buhay…
Parang kelan lang, nung mag kaibigan pa kami, puro tawag at txt lang at patagong mga date lang ang nagagawa naming, kapag nag kakasalubong kami sa school parang wala lang, parang di mag kakilala pero ang totoo pag dating sa TXT,FB, at date eh parang may something kami..
By that time takot akong makipag relasyon dahil sa mga dahilan na to.
1- Ayokong makasakit ng iba
2- Ayaw ng mama at papa ko (dahil nadin alam ni mama ang pinag daanan ko before..)
3- Dahil sa graduating
4- Dahil sa magiging epekto sa kanya
5- Dahil bata sya sakin
6- Dahil matanda ako sa kanya
Naging ok naman kami… kahit na hindi kami naging stick to one ako, sa kanya lang ako nakikipag date at nakikipagtxt ng mga sweet lines… One time naglalakad kami sa morong, Bigla banaman nahuli kami ng mga friend nya na nag HHWW
oH my….
Simula dun mejo naging kumplekado, may mga tanong na bakit “Hindi kayo?” bakit kayo “nag hoholding hands” bakit kayo “Nag de-date?” bakit kayo “laging magkasama at mag ka chat?”.
Ok lang naman sakin kahit hindi kami, pero sa ibang tao na nakakaalam na eh “HINDI”, isang malaking tanong yun..
After this, nag kami... Pero pinag isipan naming mabuti, para di magkasakitan…
At ngayon…
100 days na kami..
Sa lumipas na 100 days naging totoo ako..
naging totoo kami..
Nakakatuwa na nag kakaintindihan kami, at nag bibigayan sa mga bagay bagay…
Sweet ako sa kanya… pero ewan ko sa kanya sa akin..
ha5. ^_^ mahal ko sya.. totoo ^^ at di ko kinakahiya yun.. pinag mamalaki ko kahit na maliit ako ^_^
Madalas pa nga kaming sabihan na mag kamukha o kaya naman ay mag kapatid, mag kuya daw kami.. hahaha.
Noon ngang pinakilala ko sya kay mama, akala ko ayaw nya eh… pero nag approve agad sya.. ^_^
Pero kay papa hindi, (as I expected..)
Sa mother at father nya, naging ok din kami agad..
wala pang 1week legal na agad kami..

Madalas naming pag awayan ay ang pag iinom ko, ;c Bakit ba di ko maiwasan? O ayaw ko lang iwasan talaga.
Kasi gusto ko yun..

Pasensya na hane vivian..

siguro babawasan ko nalang..
I love you..
Hindi ako mag sasalita ng tapos… pero hangga’t kami, mamahalin ko sya at aalagaan ng higit pa sa babaeng na ka partner ko noon.
Hindi ako nag bago, Ganon padin ako mahal mahal, tiwala, communication, at pagiging honest sa lahat ng bagay….

Thursday, March 29, 2012

Salamat po sa inyong lahat.












Thank God..

dahil bukas alas dose ng tang hali, ga-graduate po ako..

salamat sa mga magulang ko, na walang sawang nag bibigay ng baon sakin. at naniwala na matatapos ko ang kurso ko...

Sa mga kapatid ko, tita,tito, pinsan, kapitbahay,kamag anak, kaibigan, at tropa.

Sa URSM, sa Engineering, Sa Iecep.

Sa mga guro.

Sa mga tunay na kaibigan sa sa classroom.

Sa mga kaklase, Sa mga ka-eskwela.

Sa mga kaaway.

Sa Bata na naniniwala at nagtitiwala sakin..

Sa napag OJThan- sa advicer at sa mga kasama ni sir na nagturo at mga na ka OJT ko sa TELOF.

Sa mga nag kaibigan na nagturo ng magagandang asal.

Sa mga taong nag tama ng aking pag kakamali.

Sa mga taong nag turo sakin ng TAMA at MALI

Sa mga naka DOTA ko, Sa mga tinalo ko, at tumalo sakin..

Sa mga nakainuman ko...

Sa Kasama kong ga-graduate at hindi pa, hihintayin ko kayo.

Sa mga magulang ng mga kaklase at mga kaibigan ko, salamat po sa pag tanggap nyo akin sa tuwing pumupunta ako sa inyong bahay para mang gambala, especially sa mama ni pepe.

Sa lahat ng taong tumulong sakin,

Sa lahat ng turo ng magandang asal..

SALAMAT!!!!!!!!


bukas graduate na ko ng BSECE.

Aaminin ko hindi ako magaling na estudyante, pero ng dahil sa inyong lahat.
kinumpleto nyo ako..

naalala ko tuloy yung sinabi ng guess speaker namin sa recognition..
Madalas sabihin satin ng mga magulang natin na
"Mag aral ka ng mabuti yan lang ang mapapamana ko sayo."

wala akong gusto regalo,
Sapat na ga-graduate ako..

-pangatlo sa tatlong mag kakapatid,
-pangatlo sa napag tapos ng aking mga magulang..

ikaw naman bunso ang mag pakitang gilas, ^_^

Thx sa views

Photobucket